P582M pambili ng fire trucks kinupit ng BFP

MALAKI ang hinala ni Sen, Franklin Drilon na nagkaroon ng hokus-pokus sa P582 milyong pondo na galing sa paniningil ng Fire Code Fees bilang pambili ng fire trucks dahil walang maiulat ang Bureau of Fire Protection (BFP) kung saan ginamit ang badyet.

Lumitaw ito sa pagdinig ng Senate committee on finance na dumidinig sa hinihinging P95 bilyong pondo ng Department of Interior and Local Government (DILG) at attached agencies nito nitong Lunes, ngunit nabigong makopo ang badyet sanhi ng mga kahina-hinalang paglalaan.

Ipinagtataka ni Drilon na kung bakit humihingi muli ng panibagong pondo ng BFP upang ipambili ng fire trucks sa halagang P950- milyon sa 2012, pero walang nakikitang bago o bumili man lamang ng kahit isang trak ng pamatay-sunog ang ahensiya.

“Again here, apparently the absorptive capacity of the bureaucracy is raised in issue because in 2010 as we said, P582 million was collected for Fire Code Fees, but may be not a single unit of fire truck was purchased,” ayon kay Drilon.

Binubusisi ni Drilon ang implementasyon sa pangongolekta ng Fired Code Fees na umabot sa P582 milyong noong 2010 na dapat ipinambili ng fire truck ng BFP nitong 2011, ngunit walang maibigay na ulat ang ahensiya kung saan at magkano ang ginamit sa badyet.

“Finally we wanted to inquire into the implementation of the collection of the Fire Code Fees which is used for the purchase of fire trucks in 2010. The collection amounted to P582 million. We understand exactly one fire truck was purchased, or is about to be purchased,” ayon kay Drilon.

Ayon pa kay Drilon, nitong 2011 ay naglaan din ng Kongreso ng P950 milyon para sa pambili ng fire trucks ngunit walang nakikitang bagong sasakyan ang Senado ngunit ngayon para sa 2012, humihingi na naman ng panibagong P800 milyon.

“In 2011, there is a budget of P950 million again under this item. We are not aware of any fire truck having been purchased and in 2012, another P800 million is being allocated,” ayon kay Drilon.

“We want a full report on this,” dagdag ni Drilon.

Dahil dito, pansamantalang ipinagpaliban ang pagdinig sa hinihinging badyet ng DILG dahil hindi maipaliwanag ng ahensiya ang gastusin nito na inilaan ng Kongreso kaya’t magkakaroon ng panibagong pagdinig sa susunod na araw.

“At bottom therefore, we would have to continue the hearings of the DILG and PNP budgets on September 27. For that reason, we could not yet submit the budget of the PNP and the DILG for plenary debates,” patatapos ni Drilon. Ernie Reyes

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply