P59 bilyong lugi ng BSP sisiyasatin ng Kamara

IPINASISIYASAT ng isang mambabatas sa House Ccommittee on Banks and Financial Intermediaries ang P59-bilyon kalugihan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) noong 2010.

Nakasaad sa House Resolution 1450 na inihain ni Quezon City Rep. Winnie Castelo na dapat mabusisi ng Kamara ang ulat ukol sa P59 billyong lugi ng BSP nitong nakalipas na taon habang tinatangka na mabayaran ang back taxes sa mas mababa sa income tax assessment ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa ilalim ng panukalang P6 billion package settlement agreement.

Nakapaloob sa nabanggit na report na may kakulangan umano ang BSP sa income tax assessment mula sa gold trading, foreign exchange transactions-managed fund, interest expense at arbitrage at unreported income mula sa ibang capital reserves.

Ang suma-total, kasama na ang interest at penalties ay umabot ng P11.9 billion noong 2005 at P7-billion para sa 2006.

Hiniling ni Castelo sa komite na alamin kung ano ang nagpahirap sa BSP at imbitahan ang miyembro ng Monetary Board para magbigay liwanag sa isyu.

Dapat maresolba aniya ang dalawang isyu na kinasasangkutan ng BSP, ang “moral ascendancy” sa buong banking system dala ng supervisory role nito at ang “institutional responsibility.”

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply