P5B para sa seguridad ng Palawan oil at gas fields aprub na

INAPRUBAHAN na ni Pangulong Benigno Aquino III ang paglalabas ng P4.9 billion mula sa Malampaya fund para susugan ang pangangalaga sa natural gas exploration sa northern Palawan, ani National Treasurer Roberto Tan.

Ang nasabing pondo ay ilalabas anomang araw ngayong buwan sa Armed Forces of the Philippines (AFP) na naatasang mag-deploy ng sasakyang pandagat na mas maliit sa Hamilton class BRP Gregorio del Pilar.

Matatandaan na nitong Marso, nagpadala na ang Philippine military ng aircraft sa Reed Bank malapit sa Palawan kasunod ng balitang may ilang Chinese patrol boats na nanghaharas sa Filipino oil exploration team sa lugar.

Ani Lt. Gen. Juancho Sabban, chief of the AFP Western Mindanao Command, ang nasabing mga Chinese ay nagsasagawa ng pag-aaral sa lugar para umano sa Department of Energy at inangking sakop pa nila ang naturang teritoryo.

“Pero alam naman natin na pasok na pasok sa atin ‘yun so nagpadala kami ng eroplano,” aniya, kung saan tinukoy ang tinaguriang “hotly contested oil-rich” na lugar sa kanlurang bahagi ng Palawan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply