P20M gagastusin sa pagkukumpuni ng Manila Bay

TINATAYANG aabot sa P20 milyon ang magagastos sa pagkukumpuni ng nasirang breakwater sa bahagi ng Manila Bay dahil sa pananalasa ng bagyong Pedring noong Martes (Setyembre 27).

Ayon kay Public Works Secretary Rogelio Singson, gagamitin nila ang bahagi ng emergency funds ng ahensya upang maisaayos ang nasirang bahagi ng baywalk.

Ngayong hapon ilalabas na ng Bureau of Design ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang bago at modernong disenyo ng sea wall na kakayanin ang mga darating pang bagyo.

Hihintayin na lamang na ma-aprubahan ito upang matuloy na ang pagkukumpuni ng naturang sea wall.

Tatlong metro umano ang lalim ng nasirang sea wall na tatakpan ng malalaking bato at mas patitibayin pa upang hindi agad na ma-erode sakaling may malalaki at malalakas na alon.

Sa kabuuan, umaabot na sa halos P1.148 bilyon ang pinsalang iniwan ng bagyong Pedring.

Batay sa situational report ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), P1.27 bilyon dito ay pinsala sa agrikultura.

Ayon rin sa NDRRMC, hindi pa rin madaanan ang 17 tulay at 44 na road sections sa regions 2, 3, 4b, 5, Cordillera Region at National Capital Region.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply