P7B cocaine naiwala ng PDEA

MAHIGIT sa 1,400 kilo ng cocaine na nagkakahalaga ng mahigit P7 bilyon ang hindi narekober o naiwala ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) mula sa bulto ng drogang itinapon sa karagatan ng Samar noong 2009.

Sa isinagawang pagdinig ng Senate committee on finance sa panukalang budget ng PDEA at Dangerous Drugs Board (DDB) para sa taong 2012, inamin ni PDEA director general Jose Gutierrez na sa tinatayang 2,000 kilo ng cocaine na itinapon sa karagatan ng Samar, umaabot lamang sa 571.73 kilo ang narekober ng ahensiya.

Dahil dito, kinastigo nina Sen. Franklin Drilon at Sen. Vicente “Tito” Sotto ang PDEA dahil sa kabagalan nilang marekober ang mahigit kumulang sa 1,400 kilo ng cocaine na posibleng nasa ilalim pa ng dagat o kaya ay itinatago lamang ng mga mangingisda.

“You must still exert a lot of effort to find out what happened and who were the other recipients of this in the Philippines,” giit ni Sotto.

Ikinuwento pa ni Sotto, nagsilbi bilang chairman ng DDB mula 2008 hanggang 2009, na ang nasabing cocaine ay galing ng Columbia at ibibiyahe sana patungong Guangzhou, China subalit dahil sa naitimbre ang nasabing barko na huhulihin ng Chinese Coast Guard ay itinapon na sa dagat ang tinatayang 2,000 kilo ng cocaine malapit sa isla ng Samar noong Disyembre 2009.

Nagpasaring naman si Sotto na naging mahina ang PDEA sa pagrekober ng cocaine sa mga mangingisdang nagtago nito sa Samar dahil inaalok lamang nila ito ng isang kaban ng bigas sa bawat kilo o bloke ng cocaine na isusurender.

“Masyado kaming nalilitan sa isang kabang bigas,”ayon sa senador.

Tiniyak naman ni Gutierrez na tuloy pa rin ang operasyon ng PDEA para sa pagrekober ng nasabing iligal na droga bagamat duda ito kung may makukuha pa sa dagat o sa mga mangingisda dahil sa kanilang pagkakaalam ay ikinalat na ito sa Mindanao, ilang bahagi ng Visayas at Luzon.

“As of the present, there are number of operations wherein we are able to buy bust or recover about a kilo or even less . What I would assume that the remaining cocaine have reached Mindanao up to a portion of Visayas and even Luzon,” paliwanag ni Gutierrez.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply