P9.2-M kontrata ng B-Meg at Raymundo plantsado na

ISANG P9.2 milyon sa loob ng dalawang taon ang kontratang nilagdaan sa pagitan nina veteran star Kerby Raymundo at ng B-Meg Derby Ace sa pagsisimula ng PBA Governors’ Cup. Ito ay kasunod ng naunang P350,000 kada buwan na may karagdagang P78,000 bawat buwan na tatanggaping bagong suweldo ng itinuturing na superstar ng Visayan cager.

Nakapagsimula na si Raymundo sa pag-eensayo sa Llamados sa ilalim ng bagong coach na si Tim Cone. Makakasama niya sa balik-koponan ang mga dating player na nakauna sa injury list na sina Rico Maierhofer at Rafi Reavis sa gaganaping inaugural game ng All-Filipino Conference sa Oktubre 2 na tatampukan ng isang laro sa pagitan ng Barangay Ginebra at ng Rain Or Shine Elasto Painters.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply