Pacman nanalo ng P6M sa casino

AYON sa aming spy, nadadalas si boxing champ Manny Pacquiao sa Resorts World Casino sa Pasay City. Kamakailan lamang ay nanalo raw diumano ng P6 milyon. Last week lang po ‘yon nang manalo ang boxing champ ng anim na milyon.

Sang-ayon sa aming spy, “Inabot nga po siya ng alas-otso ng umaga sa paglalaro ng bacarat. Paglabas niya ng casino, nagbigay siya ng balato sa isang mataas na opisyal ng casino.”

Kamakailan din lang, napabalitang natalo si Manny ng P700 milyon sa casino at binenta ang bahay niya sa Makati. Pero sa aming napag-alaman, walang katotohanan ang balitang lumabas.

Pero lagi na lamang nababalita si Manny kundi naglalaro sa casino, nagsasabong naman sa San Juan Coliseum. Hindi maganda para kay Manny na lagi siyang nagpupunta sa mga sugalan dahil isa siyang tinuturing na bayani ng bansa na nagbibigay ng karangalan sa Pilipinas. Nalalapit pa naman ang laban niya, baka matalo siya kapag lagi siyang busy sa mga sugalan.

***

Ang Pangako ng Puso ang independent film na napapanahon kung saan starring ang apat sa pinakamagagaling nating mga baguhang kinabibilangan nina Amber Martinez, Jade O’ Hara, Rob Gutierrez at si Isla Borromeo, artista rin si Dennis dela Cruz, ang pelikulang ito ay kikilig at gigising sa karamihan ng taong nabubuhay lamang sa pag-ibig at karangyaan.

Kasama ang (LPC Marketing Corporation) na tutulong upang isaayos ang premiere showing at special screenings sa Maynila, Ilocos Norte at sa pinaplanong pagpapalabas nito sa Hawaii. The story was developed by Benjie Pe Benito and Arnold Argano at produced by Joegie B. Jimenez at Sunrise International Productions.

***

Ang pamilyang Pinoy Henyo ang isa sa mga portion ng Eat Bulaga na nagbibigay ng mga impormasyon at kaalaman para mahasa ang isip natin. Araw-araw mapapanood ang Eat Bulaga sa siyete at ang patok na portion nila ay ang Juan For All, All for Juan sugod bahay na hatid sa inyo ng Coke, Puregold, Vaseline, Hanabishi at Tiger biscuit.

Maraming Barangay sa buong Pilipinas ang natutulungan ng number one noontime show dahil katakut-takot na  pera ang pinamimigay sa mga kababayan natin. Kaya suportahan natin ang Eat Bulaga mula Lunes hanggang Sabado sa GMA 7.

***

Ang programang Show Up, ang bagonggsame show ng bayan ay nagbibigay ng pag-asa sa mga taong mahihirap para magkaroon ng pera every Sunday sa Isetan Recto Manila. Ang mga host ay sina Jirah ang best friend ng bayan, Mikotona, Boobay, Chabilita, Showmaw at Barbe. Mapapanood na n’yo sa Oktubre 8 sa Global Destiny Cable Channel 5 sa ganap 9:00 ng umaga hanggang 11:00 ng umaga Lunes hanggang Sabado. Ang kanilang mga segment ay Boogie, Woogie, cash blessing, Luto ng bayan, Show Up. What you’ve Got and Starcade, Star of the New Decade.

***

Ang sikat na TV host na si Boy Abunda ang siyang modelo ng Mega C Health Ventures  Inc. Chairman and President na si Manuel D. Dasig ang tumatayong General Manager naman ay si Yvonne V. Benavidez. Naniniwala ang dalawang opisyal ng nasabing Mother of all Vitamins Mega C na patok na patok si Boy dahil pang-masa ito at ang Mega C. Kaya naman ayon kay Boy dapat uminom ng Meg C. Tatlong beses isang araw para mega iwas sa sakit mega gaan pa sa bulsa sa halagang P5 lamang para sa mga gustong maging distributor ng Mega C tumawag lamang sa 885-05-26/885-05-09

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply