Pacquiao ‘di sumipot sa misa para sa kanila ni Marquez

NAGPAHAYAG ng pagkalungkot si Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo sa hindi pagsipot ni 8-division world champion at Surigao Rep. Emmanuel “Manny” Pacquiao sa inialay na misa para sa kanila ni Mexican champion Juan Manuel Marquez kanina, Setyembre 4, sa Manila Cathedral, Intramuros, Manila.

Nagsimula ang banal na misa dakong alas-8:30 ng umaga na pinangunahan ni Bishop Pabillo.

Si Marquez ay maaga namang dumating sa simabahan kung saan nagkaroon ito ng pagkakataong malibot ang buong simbahan.

Mismong si Cathedral Rector Msgr. Nestor Cerbo ang nagbigay ng tour sa Mexican boxer. Mahigpit p arin ang seguridad sa lugar at siksikan pa rin ang mga tao para lamang masilayan ang kanilang idolo sa boxing ring.

Ang misa ay inialay para sa tagumpay ng laban nina Pacquiao at Marquez sa Nobyembre 12 sa MGM Grand, Las Vegas. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply