Pacquiao for vice president sa 2016

TATAKBO si Sarangani Rep. Manny Pacquiao sa pagka-bise presidente sa 2016.

Pero kakandidato muna aniya sa pagka-gobernador ng Sarangani sa 2013 si Pacman bago pa man pumalaot sa pagiging pangalawang pangulo.

Ipinahayag ito ng pambansang kamao sa gitna ng mainit na pagsalubong sa kanya at katunggali na si Juan Manuel Marquez sa Mexico bilang bahagi ng fourth leg ng kanilang press tour.

Magugunitang sa unang pagpasok ni Pacquiao sa politika noong 2007 ay agad itong sumemplang nang ilampaso siya ng katunggali sa pagka-kongresista ng General Santos City na si dating Rep. Darlene Antonino-Custodio.

Nito lamang 2010 nagtagumpay si Pacquiao na maging mambabatas nang talunin ang negosyanteng si Roy Chiongbian.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply