Pacquiao, Marquez itutuloy ang World Press Tour sa US

AALIS bukas ng gabi, Setyembre 5, sina Surigao Rep. Manny “Pacman” Pacquiao at Mexican boxer Juan Manuel Marquez patungong Estados Unidos upang ipagpatuloy ang kanilang World Press tour.

Sa press conference sa Manila Hotel kahapon ay patuloy na dumadaldal at nananaginip si JuanMa na tatalunin niya ang pambansang kamao upang magkaron pa ng part 4.

“I don’t know what will happen on November 12, but I am looking forward to win, I want to win,” sabi ni Marquez, (53-5-1, 39 KO).

Halatang naiirita si Pacman sa mga pananalita ng Mehikano kaya naman sinabi ng una na dapat na niyang tapusin ang laban upang aminin ng huli ang kanyang pagkatalo.

“I need to prove that I won the fight,” ani Pacquiao.”Kailangan na talagang tapusin ang laban at aminin ang pagkatalo.”

Sina Pacquiao at Marquez ay nagkasundong maglaban sa timbang na 144 lbs. na ayon sa Mehikano ay malaking bagay para sa kanya.

Ayon pa kay Marquez, bagama’t napakalaki na ng ipinagbago ni Pacquiao sapul nang huli silang maglaban noong 2008, naniniwala siyang mabibigyan ng mabigat na laban ang Pambansang Kamao. Elech Dawa

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply