Pacquiao, Marquez maghaharap sa Quirino Grandstand bukas

TULOY ang pagkikita nina Manny Pacquiao at Juan Manuel Marquez, ang katunggali niya sa boxing fight, na magaganap sa November 12 sa Las Vegas, Nevada, USA, sa Quirino Grandstand bukas ng 2:30 ng hapon (Sabado, Setyembre 2). Bale dito magaganap ang first press tour ng laban ng dalawa magaganap sa historic Luneta, sa Manila.

Pero hindi makapagge-guest si Marquez sa Manny Many Prizes gaya nang naunang napabalita dahil sa previous commitments ng boksigero na mula pa sa Mexico.

Pero punung-puno ng stars ang Manny Manny Prizes sa Sabado na magsisimula sa TV ng 6 p.m. Kabilang sa mga celebrities na guests ay sina Jinkee Pacquiao, Wency Cornejo, Jet Pangan, Claire dela Fuente, Imelda Papin at iba pa.

Sa sinumang ibig manood at manalo ng premyo na pamimigay ni Ninong Manny, pwedeng makakuha agad ng ticket sa Sabado ng 6 a.m. sa South Drive ng Quirino Grandstand sa may side ng Museo ng Pambata. Pero magbubukas ang gate ng mismong Quirino grandstand ng 8 a.m. pa lang.

Go na kayo sa Luneta para rito sa tickets.

***

PARANG nabato-balani si Derrick Monasterio sa beauty ni Janine Gutierrez. Alam ba ninyong una pa lang nakita ni Derrick si Janine sa set ng Party Pilipinas tuwing  Sunday ay hiningi agad ni lalaki ang cellphone number ni Janine?

Kaya lang, sabi ng aming source, ngiti lang ang isinusukli nito kay Derrick. Alam ni Janine na makulit at palabiro lang si Derrick na typical sa mga teenager na lalaki ngayon.

Pero knowing Derrick, kapag nagka-crush sa isang babae ay mangungulit talaga siya talaga.

Anyway, ganyan talaga ang tween age, basta magka-crush ay mapusok.

***

ISANG masayang “Bubble Gang” ang bubulaga sa inyong gabi para hindi kayo antukin agad dahil susugod sa gag show ang mga nagpipilit na maging comedian na sina Dennis Trillo, Jake Vargas, Bea Binene, Stef Henares, Boosie at Isabelle Daza, ang mga nabanggit ay panauhin ng programa na makakasama nina Michael V, Ogie Alcasid, Rufa Mae Quinto, Boy 2 Quizon, Antonio Aquitania at ang kinagigiliwang beauties na kung tawagin ay Bubblets na kinabibilangan nina Jackie Rice, Gwen Zamora, Sam Pinto at Ellen Adarna.

Tampok na portion bukas (Biyernes, Setyembre 2) ay ang Cheche Bureche, Moymoy Palaboy, Pick up lines, Mr. Assimo, Sermon to Death, iba-ibang lenghawe, kakaibang serial killer, Pinoy mutants at Boy Baho.

***

Leandro Baldemor di lang actor, businessman pa!

HINDI lang pag-aartista ang inaatupag ni Leandro Baldemor ngayon. Aba’y busy rin siya sa mga negosyopng naipundar na noong panahong namayagpag siya sa mga pelikula ng Seiko Films. Sadyang artist si Leandro dahil tubong Paete, Laguna ang actor. Magaling sa paglilok ng kahoy.

Pero ang napuntirya niya ngayon ay ang pagkakaroon ng sariling furniture shop na siya mismo ang nagde-design ng mga ibinibenta niyang gamit sa bahay.

Ani Leandro: “ Bago ako bumalik sa pag-aatista, bale established na rin ang mga naipundar kong negosyo. Bukod sa furniture shop, may restaurant at security agency rin ako sa Pila, Laguna. Sadyang hindi ko maiwanan ang pag-aartista. Mahal ko ang trabaho kong pag-aartista .

“Lalo ngayon sa paggabay sa akin ni direk Maryo J. delos Reyes, na siya ring director ko sa ‘Munting Heredera,’ lalo akong na-inspire. Marami rin kasing bumabati sa performance ko sa Munting Heredera bilang Dr. Philip.”

***

NAPUNTAHAN namin ang affair ng Eye Foundation sa Annabel’s Restaurant recently, kung saan nai-donate na ang cornea ng namayapang actor na si AJ Perez sa nangangailangang kabataan para makakita muli sila.

Sa affair, isa sa dumalo ay ang dating leading lady ni AJ sa soap na Sabel na si Jessy Mendiola. Aba’y maluha-luha si Jessy sa nakita niya sa batang lalaki na benefactor ng cornea ni AJ, na muling nakakita.

Kasi, sa natatandaan ni Jessy sa kanyang leading man, sobrang mabait ang binata nang sila’y magkapartner pa noon. Makulit at palabiro rin si AJ para kay Jessy. Kaya masaya sila habang nagti-taping noon ng “Sabel.”

Wala na ngayon si AJ. May bago na namang leading man si Jessy, si Gerald Anderson. Si Gerald ay makakasama ni Jessy sa Budoy soap na malapit nang mapanood sa primetime.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply