PAF chopper nag-emergency landing sa NE

HIMALANG nakaligtas sa tiyak na kapahamakan ang dalawang piloto at ang kanilang dalawang pasahero nang biglang tumigil sa himpapawid ang makina ng eroplanong kanilang pinapalipad sa Nueva Ecija Huwebes ng umaga.

Sinabi ni Captain Elmer Ariola at kanyang co-pilot na si Captain Richard Dalag na pinili niyang mag-landing na lamang sa isang palayan sa Barangay Guimba kaysa bumagsak sa mga kabahayan at magkaroon pa ng kaswalidad.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, naganap ang insidente dakong 8:40 ng umaga sa nasabing palayan na ilang metro ang layo sa mga kabahayan.

Ayon kay Senior Supt. Roberto Alligayu, Bueva Ecija police director,  bago ang insidente ay nabatid na nagmula ang helicopter sa Northern Luzon  Command sa Tarlac, at lumilipad patungong Cauayan, Isabela nang makaranas sila ng engine trouble.

Hindi naman nawalan ng pagasa, pinilit nila Ariola at Dalag na maibaba ng ligtas ang naturang helicopter pero bagama’t naikasa naman ay bahagyang nagtamo ito ng kaunting sira.

Lulan din sa naturang helicopter ang mga pasaherong sina Air Force Staff Sergeant John Laurita, Airman Ryan Rompong at Staff Sergeant Lauro Joya na pawang hindi rin nasaktan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply