Pag-aarmas sa MMDA traffic enforcers, malabo

TABLADO ang Malakanyang sa panukalang pag-aarmas sa mga traffic enforcers ng Metro Manila Development Authority (MMDA).
Nag-ugat ang panukala sa pagkakabaril ng isang MMDA traffic enforcer nang sitahin ang isang motorista.
Sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, may security concern ang panukala at dapat pag-aralang mabuti ng pamahalaan.

Ayon kay Valte, nauunawaan nila ang pinanggagalingan ng mga proponents pero mas mabuting kumalma muna ang lahat.

Dapat pagtuunan na lang muna ang karagdagang hazards pay sa mga traffic enforcers na maaaring pagbigyan ng MMDA depende sa pondo ng ahensya.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply