Pag-aarmas sa traffic enforcers pinag-aaralan ng MMDA

MULING pinag-aaralan ng pamunuan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang pag-aarmas sa kanilang mga traffic enforcers.

Ang mungkahing pag-aarmas sa traffic enforcers ay kasunod  ng pamamaril sa isang traffic enforcer ng isang motoristang hinuli nito sa paglabag sa number coding scheme.

Ayon kay MMDA Spokesperson Tina Velasco pinare-review ni MMDA Chairman Atty. Francis Tolentino ang panukalang pag-aarmas ng mga traffic enforcer ni dating MMDA Chairman Bayani Fernando.

Gayunman, nilinaw ni Velasco na sakaling matuloy ang pag aarmas ay piling traffic enforcers lamang ang masasaklaw nito bilang bahagi na rin ng public safety mandate ng MMDA.

Depensa pa ni Velasco na hindi naman sila nag o-overreact sa nangyari subalit kailangan rin protektahan ang kaligtasan ng kanilang mga traffic enforcers habang tumutupad ang mga ito sa tungkulin. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply