Pag-amiyenda sa mandatory helmet act inalmahan

INALMAHAN ni Senador Ramon Revilla Jr., ang panukala ng ilang opisyal sa mga lalawigan na amiyendahan ang Mandatory Helmet Act upang makatulong sa pagsugpo ng krimen.

Giit ng senador, walang ibang pangunahing susi sa pagsugpo sa krimen kundi ang pagpapatupad ng batas at police visibility sa halip na suspendihin ang implementasyon ng batas na binuo upang tugunan ang nakaaalarmang bilang ng aksidenteng sangkot ang motorsiklo.

“Walang katiyakan na masusugpo ang mga krimen kung ipagbabawal ang pagsusuot ng helmet; ang matitiyak natin ay malalagay sa panganib

ang buhay ng mga nagmomotorsiklo. Hindi dapat na makompromiso ang kaligtasan ng ating riders,” ani Revilla.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply