Pag-asa sa paglutang ng Submarino (2)

ANG mga pulitiko, maging national o local elected official ay dapat maging tapat sa sinumpaang tungkulin nang matapat na paglilingkod.

Ang malungkot, mga sarili lamang ang pinaglilingkuran.

Ang mga senador at kongresista ay bilyon-bilyon ang pork-barrel.

Ito ay para sa mga proyekto na pakikinabangan ng kanilang constituents.

Pero, wala–walang proyekto na nakikita ang bayan.

Binabawi pa raw ang nagastos sa  eleksyon.

Sige lamang, ibulsa na ninyo ang trenta porsiyento, kailangan naman ang sitenta ay iukol sa mga proyekto na kailangan at pakikinabangan ng taumbayan.

Hindi ganito ang nangyayari – kinukuhang lahat ng mga legislator ang pondo at inilalaan para sa susunod na eleksyon.

Sa gabi at araw ng ating pagtulog – bigla na lamang magugulantang at magbabangon sa yanig at ingay ng malalaking trak na nagdaraan sa butas-butas na mga lansangan na pininsala ng bagyo at malalakas na buhos ng ulan.

Bakit hindi ayusin agad ng DPWH – Department of Public Works and Highways?

Ano – hihintayin pa ba natin ang pagsapit ng tag-araw?

Bakit hindi magbigay ng pondo ang mga legislator nang maging maayos ang ating mga lansangan?

Ito ay malaking tulong sa mga motorista na laging nababalian ng muwelye at nasisira ang mga sasakyan.

Nagrereklamo rin ang mga magsasaka sa kakulangan ng mga feeder-road.

Hindi madala ang kanilang mga produkto sa palengke upang makabili naman ng ibang pangangailangan.

Ito ay sa kabila ng pondo rito ng mga legislator at DA –department of agriculture. Bakit namannnnn?

Ang submarino ay hindi naman mananatili sa pusod ng dagat sa habang panahon – lulutang din ito at sa-na’y makita ang punung-kahoy at sikat ng araw sa bagong umaga.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply