Pag-ulan sa bansa epekto ng ITCZ

MAGIGING maulap at makararanas ng kalat-kalat na pag-ulan ang buong bansa bunsod ng InterTropical Convergence Zone (ITCZ).

Ayon kay Science and Technology Undersecretary Graciano Yumul, officer-in-charge ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa), bukod sa epekto ng ITCZ, ang maulap na panahon ay pagbabago na rin ng panahon dahil sa nakapasok na ang “ber” months sa bansa.

Samantala, patuloy namang binabantayan ng Pagasa ang isang low pressure area (LPA) o sama ng panahon na nasa 1,320 kilometro sa Silangan ng Visayas.

Inaasahang papasok ito sa teritoryo ng bansa bukas ng umaga (Setyembre 24). Lalakas rin ito at magiging tropical depression sa Linggo na tatawaging Pedring.

Tinataya namang tatama sa kalupaan ng Batanes ang nasabing tropical depression kundi sa Martes, Miyerkules o Huwebes.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply