Pagbabakuna sa manok kontra bird flu itinigil ng DOH

PANSAMANTALANG ipinagpaliban ang pagpapabakuna sa mga manok kontra flu virus sa mga poultry farm.

Paliwanag ni Department of Health (DOH) spokesman Dr. Eric Tayag, itinigil ang vaccination sa mga manok dahil hindi sigurado kung tatalab ang bakuna sa mga manok.

Nilinaw rin ni Tayag na kahit nagpaturok na ng anti-flu vaccine ang isang tao, hindi ibig sabihin nito na immune na siya sa bird flu virus.

Sa ngayon ay walang dapat ipangamba ang publiko sa harap ng banta ng mas mabagsik na bird flu virus at nananatiling bird flu free ang bansa.

Sinabi ni Tayag na mga poultry products pa lamang ang nakitaan ng mutant virus.

Wala rin aniya silang nababalitaang may taong nagkasakit sanhi ng bird flu virus.

Kung matatandaan aniya, taong 2003 nang pumutok ang epidemya ng bird flu sa karatig-bansa pero nananatiling bird flu free ang Pilipinas.

Kaugnay naman nito pinababantayang mabuti ng Department of Agriculture (DA) ang lahat ng pumapasok na poultry products sa bansa.

Sa harap na rin ito ng banta ng mas mabagsik na Bird Flu Virus na sinasabing nag-originate sa bansang Vietnam.

Tiniyak ni Agriculture Secretary Proceso Alcala na bantay-sarado ang bawat entry points ng bansa gaya ng sa airport, pier at seaport para matiyak na walang makapapasok na mga manok at iba pang poultry na maaaring kontaminado ng naturang virus. Johnny F. Arasga

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply