Pagbabawal sa inuman, paglalaba sa kalye isinusulong

NANINIWALA si Senator Manny Villar na malilinis na ang mga sidewalk, tulay at kalsada laban sa mga sidewalk vendors at mga residente na gumagamit sa kalye sa panahon na may handaan o inuman.

Ang hakbang na ito ay maisasakatuparan sa ilalim ng Senate Bill 2966 o ang tinatawag na an Act Regulating the use of Sidewalks for Commercial and other purposes, ni Villar.

Kabilang sa ipinagbabawal ng panukala ay ang paliligo sa kalye, sidewalks, inuman o handaan, paglalaba, paglalaro ng basketball at iba pa.

Ipinagbabawal rin sa panukala ang pagtitinda ng kahit na ano sa sidewalk, kalye at mga tulay.

Ang mga lalabag ay pagmumultahin ng P1,000 at makukulong nang hindi bababa sa 30 araw.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply