Pagbagsak ng bahagi ng US satellite sa PH ipinasisiyasat

PINAIIMBESTIGAHAN ng mga awtoridad kung may katotohan ang ulat na bumagsak sa  Capiz ang  maliit na bahagi ng lumang space satellite ng Estados Unidos na tumitimbang ng anim na tonelada at sinasabing nagkapira-piraso habang pumapasok sa atmospera ng daigdig.

Sa ulat na nakarating sa Department of Defense (DND), may isang bagay umano ng nanggaling sa kalawakan na mistulang bolang apoy na bumagsak sa Barangay Daga, Panay, Capiz.

Ang bagay na ito ay pinagkakaguluhan ngayon ng mga usisero.

Base sa ilang report, isang Fatima Villanueva ang nakasaksi sa umano’y nagliliwanag na tila bolang apoy.

Nang mahulog sa lupa, nadiskubre na parang lata ng sardinas, mainit pa at may wire sa loob nito.

Bunsod nito, mabilis na umugong ang balita hinggil sa umanoy napakabilis na pagbagsak ng isang metal particle na kulay silver na pinaniniwalaang bahagi ng Upper Atmosphere Research Satellite (UARS) ng NASA na nagsimulang nagbagsakan sa atmospera ng daigdig.

Sinasasabing nasa kustodiya ng pamilya Villanueva ang naturang bagay at payag naman silang ibigay sa kinauukulang ahensya ng pamahalaan, partikular na sa Department of Science and Technology (DOST).

Ang DOST umano ang may kakayahang malaman kung bahagi nga iyon ng decommissioned satellite ng Estados Unidos na ipinahayag na bumagsak na sa lupa.

Subalit aminado ang NASA na hindi pa nila matiyak ngayon kung saan-saan  bumagsak ang mga bahagi ng nasabing satellite.

Ang anim-na-toneladang satellite na kasinglaki ng bus ay sinasabing inaasahang magdi-disintegrate oras na magsimulang pumasok sa atmosphere ay dine-commission noong 1979 matapos na hindi na ito makontrol ng NASA.

Posible, ayon sa NASA, nasa Canada tumama ang mga bahagi nito na hindi nasunog.

Sa social networking site na Twitter, may nareport na ilang debris ang bumagsak sa bayan ng Okotoks sa Calgary, Canada.

Magugunitang inihayag ng NASA na napakaliit ng tsansa na tatama ito sa tao.

Bukod sa inaasahang sa tubig ito tatama, una nang inihayag ng NASA na posibleng 26 na piraso na lang ang tatama sa mundo dahil mababasag at masusunog ang mga bahagi ng satellite habang pumapasok sa kalawakan na sakop ng mundo.

Ang anim na toneladang satellite na kasinglaki ng isang bus ay siyang pinakamalaking bagay na babagsak sa mundo na hindi makontrol ng mga eksperto, simula noong 1979.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply