Pagbawi sa Sabah isinusulong ng Sultanate of Sulu

KUNG kailangang dumanak ng dugo, gagawin naming ito mabawi lamang ang Sabah.” Ito ang mariing banta ng Sultanate of Sulu para upang mapasakamay muli ang Sabah na isa sa teritoryo ng bansang Pilipinas.

Ayon kay Hiawatha Yap Anuddin, kinatawan ng ARMM Leaders League (ALL), napapanahon na upang maibalik bilang teritoryo ng Pilipinas ang Sabah na dating North Borneo na iligal na inokupahan ng bansang Malaysia.

Batay umano sa kasaysayan, ang Estados Unidos at Kingdom of Spain ay naging makapangayarihan nang sakupin ng dalawang bansa ang Pilipinas.

Noong Agosto 20, 1899 ang Sulu Sutan Jamalul Kiram at Gen. John Bats ng US Army ay lumagda sa Bates Treaty at kinilala ang soberenya ng Sultan of Sulu ang Sulu archipelago (Tawi-tawi, Sulu, Basilan,
Zamboanga at Palawan) na pinamahalaan ng local governance at sinuportahan ng Estados Unidos.

Ang soberenya ng North Borneo na ngayon ay Sabah ay inupahan ng Austrian Baron Von Overbeck at ng English business partner na si Alfred Dent noong Enero 22, 1878.

Mula noon, ang Sabah ay sumailalim sa pamamahala ng Malaysia at ang naturang teritoyo ay inuupahan ng bansang Malaysia sa Pilipinas ng 5,000 ringgit kada taon.

Sa mahabang panahon ng pamumuno ng pamahalaang Malaysia sa Sabah, halos lahat ng mga naninirahan sa Sabah ay pawang kaanak ng Sultanate of Sulu.

Ayon kay Anuddin ang mga mamamayan sa Sabah ay kinikilala ang Pilipinas bilang tunay na nagmamay-ari ng bansang kanilang tinutulyan.

Dahil dito, kinakailangan lamang ng suporta ng pamahalaan upang sakupin na muli ang Sabah bilang legal na teritoryo ng Pilipinas. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply