Pagbenta ng golf course ng AFP tinutulan ng solon

LALONG masisira ang natitirang berdeng kapaligiran sa Kalakhang Maynila kung matutuloy ang planong pagbebenta ng mga golf course ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Ito ang ipinahayag ni Western Samar Rep. Mel Senen Sarmiento, na nagbabalang may pangmatagalang epekto sa kapaligiran kung gagawing commercial complex ang nasabing mga golf course.

“The golf courses do not only provide our veterans and the public a healthy diversion. But more importantly, these areas are basically the only patches of greenery that can be found in Metro Manila, aside from our wildparks that are sporadically located in the metropolis,” ani Sarmiento.

“There is a need to balance such proposal because Metro Manila is running out of green spaces for carbon dioxide absorption,” dagdag nito.

Punto ng kongresista, madaling kikita ang pamahalaan sa conversion ng golf courses subalit nakakatakot ang posibleng matinding epekto nito sa kapaligiran at sa kalidad ng hangin sa Metro Manila.

Binanggit pa ni Sarmiento na nauna nang ibinenta sa pribadong sektor ang ilang bahagi ng Fort Bonifacio at Villamore Airbase, subalit malayo pa rin ang katuparan ng sinasabing modernisasyon ng AFP.

“With due respect to the past administrations, I think that it is only under President Aquino that we are beginning to see an honest-to-goodness modernization plan for our military,” anito.

“However, I really believe that we should now do away with this policy of selling military lands in exchange for a one-time revenue,” dagdag ni Sarmiento.

Iminungkahi ng mambabatas na gayahin ang istratehiyang ginawa ng Singapore na ang kanilang mga ari-arian ay pinaupahan sa matagalang kontrata at ang kita mula rito ang ginagamit na panggastos ng gobyerno.

Bilang bahagi ng kondisyon sa lease agreement, dapat aniyang obligahin ang mga developer na maglagay ng high-rise eco-parks sa kanilang uupahang ari-arian ng pamahalaan para mapreserba pa rin ang kapaligiran kontra sa climate change.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply