Pagbili ng langis dapat pag-isahin ng oil firms

DAPAT pag-isahin at isabay-sabay na ang pagbili ng langis ng mga kompanya ng langis sa bansa.

Ito ang isinulong ni Bayan Muna Rep. Teddy Casiño upang makatipid aniya ang gobyerno at regular na ma-monitor ang halaga nito sa pandaigdigang pamilihan.

“Up till now oil companies do not reveal to the government and the public  the true inventory of oil products in the country that ranges from a 40 to 54 day reserve, and the actual costs of the crude and refined oil products being imported,” ayon sa House Bill 4355 o “Centralized Procurement of Oil Products” na isinusulong ni Casiño.

Banggit pa ng kongresista, nabigo ang Oil Deregulation Law, na naisabatas noong 1998, na mailatag ang malawak na merkado sa pamamagitan ng liberalisasyon at deregulasyon sa industriya.

“Deregulation has allowed oil price increases to go unchecked. R.A. 8479 surrendered government controls on oil prices, rendering the Department of Energy (DOE) as an apologist – if not de facto spokesperson – for oil companies each and every time that oil prices are pushed upward.”

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply