Pagbuhay sa NBN-ZTE probe kinatigan

NAGBIGAY agad ng basbas ang isang senador sa plano ng Department of Science and Technology (DOST) na buhayin ang P800-milyong national broadband network (NBN) project ng gobyerno.

Isa lang ang kondisyon na nais ipatupad ni Sen. Francis “Chiz” Escudero – sana ay magkaroon ng renegotiation sa NBN project at hindi yung pagpapatuloy ng naudlot na $329-milyong kontrata sa ZTE Corporation ng China.

Ayon kay Escudero, nabahiran na ng “tongpats” ang $329-milyong kontrata ng dating administrasyon sa ZTE kaya dapat ay hindi na ito muling buhayin ng administrasyong Aquino.

Kung magkakaroon ng renegotiation, maaari pa ring makibahagi ang ZTE Corp. basta’t ang presyong mapagkakasunduan nito sa gobyerno ay hindi pinatungan at paborable sa gobyerno.

“As long as process is transparent and it is not disadvantageous to government,”giit ng senador.

Nais naman ni Sen. Serge Osmena, chairman ng senate committee on banks, financial institutions and currencies, na makita muna ang project proposal ng DOST bago magbigay ng approval sa pagbuhay ng proyekto.

Maging si NBN-ZTE whistleblower Rodolfo “Jun” Lozada Jr. ay may malaking pagdududa sa binubuhay na NBN project dahil sa P2 bilyon na gagastusin sa koneksyon sa internet kada taon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply