Pagbuhay sa NBN-ZTE project no way!–PNoy

NO WAY!

Ito ang tugon ni Pangulong Benigno Aquino III sa tanong kung balak nitong buhayin ang kontrobersiyal na multi-million dollar “NBN-ZTE deal sa ZTE Corp. ng China na pinasok ng Pilipinas noong 2007.

Sa kabilang dako, inamin ni Pangulong Aquino na ang pamahalaan sa pamamagitan ng Department of Science and Technology (DOST) ay masusing pinag-aaralan ang implementasyon ng nationwide broadband network project.

Subalit, sinabi ng DOST na kailangang pag-ukulan ng pansin ang  ZTE project dahil mali ang sistemang ginamit dito ng nagdaang administrasyon.

Tinuran ng Chief Executive na ang kasalukuyang NBN plans ng pamahalaan ay ang gumamit ng internet connections sa bansa.

“The DOST is inventorying presently what we do have as the basis for the broadband network. Now, if there is need to engage the telecommunication companies, which was my position, they are already ready as far as a broadband is concerned,” ayon kay Pangulong Aquino.

Hindi naman nagbigay ng anomang detalye si Pangulong Aquino ukol sa naturang plano.

Matatandaang ang Philippine National Broadband Network controversy o mas kilala bilang NBN/ZTE deal ay may kinalaman sa malawakang korapsyon nang i-award ang US$329 million construction contract sa Chinese telecommunications firm ZTE para sa panukalang pamahalaan na National Broadband Network (NBN).

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply