Pagdinig sa Dacer-Corbito case sa Nobyembre 16 na

ITINAKDA ng Manila Regional Trial Court sa Nobyembre 16 ang pagdinig sa Dacer-Corbito double murder case.

Ayon kay Atty. Napoleon Poblador, abogado ni dating Police Senior Supt. Michael Ray Aquino na itinakda ang pagdinig ng kaso sa Nobyembre sala ni Judge Thelma Bunyi-Medina.

Mula sa nasabing petsa ay isasagawa ang pagdinig sa kaso kada Miyerkules.

Samantala, sa isinagawang pre-trial sa kaso ni Aquino, pumayag ang hukom na iharap muli ng prosekusyon ang kanilang mga testigo na iniharap bago pa man ang arraignment.

Kabilang dito sina Dra. Rachel Fortun, isang forensic expert, dating police colonel Cesar Mancao, Glenn Dumlao at  iba pa.

Ipinasusumite rin ng depensa ang mga physical at documentary evidense na nauna nang inilabas ng prosekusyon katulad ng mga affidavit, certificate gayundin ang cell-phone at simcard ni dating Dumlao.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply