Paggamit ng incinerator sinuportahan ng MMDA

SINANG-AYUNAN ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Francis Tolentino ang panukala ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na gumamit ng incinerators upang matugunan ang malaking problema sa basura sa Metro Manila.

Ayon kay Tolentino, totoo ang sinasabi ni DENR Secretary Ramon Paje na may mga moderno ng incenerators na sa pamamagitan ng makabagong teknolohiya ay hindi na magbubunga ng maitim na usok na isa sa dahilan upang ipagbawal ito sa ilalim ng mga umiiral na batas tulad ng Clean Air Act at RA 9033 O Ecological Waste Management Act.

Inihalimbawa ni Tolentino ang ginagamit na incinerator sa isa sa lungsod at mataong lugar sa bansang Japan at France na hindi nagbubuga ng maitim na usok dahil sa makabagong teknolohiyang isinakatuparan sa paglikha nito.

Aminado naman si Tolentino na malaking halaga ang gugugulin sa pagbili ng modernong incinerator subalit mas malaki naman ang magiging pakinabang nito sa hinaharap dahil lahat ng uri ng basura ay tinatanggap at nagiging isang uri ng kapaki-pakinabang na bagay na hindi naman makakaapekto sa kalikasan.

Tiniyak din ng MMDA chairman na ang gagamiting incinerator ay hindi lalabag sa umiiral na mga batas at maging sa inilabas na kautusan ng Korte Suprema kaugnay sa tamang pangangalaga ng kalikasan.

Kung maipapatupad aniya ang panukala ni Secretary Paje, tiyak na maiiwasan ang mga sakuna tulad ng naganap kamakailan sa Baguio city at maging sa Payatas dumpsite na kumitil sa buhay ng marami. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply