Pagguho ng Irisan dumpsite kakalkalin ng Senado

NAGHAIN ng isang resolusyon si Sen. Aquilino Pimentel III upang paimbestigahan ang pagguho ng Irisan dumpsite sa Baguio City na ikinamatay ng ilang mamamayan kabilang ang lahat ng basurahan sa bansa at matiyak na tinutupad ang Solid Waste Management Act of 2003.

Ayon kay Pimentel, dapat simulan kaagad ng Senate committee on health and demography at committee on local government ang imbestigasyon sa kondisyon ng lahat ng dumpsite sa buong bansa upang maiwasan ang katulad na pangyayari sa Baguio City.

Nitong Agosto 27, 2011, gumuho ang Irisan dumpsite sa Baguio City sanhi ng patuloy na pagbuhos ng ulan na dulot ng bagyong Mina.

Tatlo katao kaagad ang namatay at tatlong kabahayan ang natabunan at marami pa ang nasira.

Sinabi ni Pimentel, dapat may sistemang rehabilitasyon sa hindi ginagamit na dumpsite upang mabawasan ang banta at panganib sa naturang disposal facility.

“Kailangan magkaroon ng pagsusuri sa implementasyon ng naturang batas ng Solid Waste Management Commission sa ilalim ng Office of the President na siyang may tungkulin bilang coordinating body sa pagpapatupad ng batas,” giit ni Pimentel.

Sa ilalim ng RA 9003, pangangasiwaan ng Solid Waste Management Commission ang pondong inilaan ng gobyerno at mag-aral ng pamantayan, criteria at alituntunin sa pagpapatuapd at implementasyon ng integrated national solid waste management framework at iba pang pangangailangan sa silting, design, operasyon at pagmementine ng solid waste management facilities.

“The Solid Waste Management Commission was also tasked to approve local solid waste management plans in accordance with its rules and regulations, review and monitor the implementation of local solid waste management plans, coordinate the operation of local solid waste management boards in the provincial and city/municipal levels,” paliwanag ng senador, na isa ring abogado.

Simula noong 2006, nagpapadala ng notice ang Department of Environment and Natural Resources sa lahat ng paglabag sa mahigit 1,000 local government units na may operasyon ng open at controlled dumpsites, ayon kay Environment Secretary Ramon Paje.

Sa paghahain ng resolusyon, ikinatuwiran ni Pimentel ang probisyon sa Saligang Batas na nagsasabing “the state shall protect and advance the right of the people to a balanced and healthful ecology in accord with the rhythm and harmony of nature.”

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply