Pagkakapasa sa LPG safety act kinuwestyon

KINUWESTYON ng LPG Refillers Association (LPGRA) ang pagkakaapruba ng Kamara sa ikalawang pagdinig ang panukalang “LPG Safety Act.”

Sinabi ni Bernie Bolisay, presidente ng LPG Refillers Association (LPGRA), kuwestiyonable ang pag-arpuba sa panukala dahil mayorya ng mga mambabatas ay wala naman sa plenary session noong Biyernes ng umaga.

“As far as the LPGRA is concerned, the bill passed second reading illegally. The constitution stipulates that the House, like the Senate, must have at least half their members present, a quorum, to pass any bill,” giit ni Bolisay.

Kinuwestyon ni Minority Leader Edcel Lagman ang quorum noong Biyernes matapos makapagtala lamang ang House Secretary General ng 73 bilang ng mga mambabatas na dumalo sa sesyon.

Nasa total na 285 ang bilang ng mambabatas kung saan kailangan ng 144 miyembro na dumalo para makapagdeklara na mayroong quorum.

Ayon kay Bolisay, lumilitaw na minamadali ang panukala pabor sa mga malalaking oil companies dahil mapupuwersa ang consumers, na madagdagan ang gastos dala na rin sa pagkumpiska ng kanilang lumang LPG cylinders.

Sinabi pa ni Bolisay na depektibo ang panukala dahil hindi ito nagbibigay ng safety nets o subsidya sa mga nakumpiska o na-impound na substandard at sira-sirang tangke ng LPG na kadalasang ginagamit ng mga mahihirap na sector.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply