Pagkamatay ng OFWs hahalukayin ng Senado

ITINULAK ng dalawang senador ang masusing imbestigasyon ng Senado sa mga misteryosong pagkamatay ng overseas Filipino workers (OFWs) sa Gitnang Silangan.

Isang resolusyon na ang inihain ni Sen. Manny Villar upang maimbestigahan ang mga naka-aalarmang paglobo ng bilang ng mga Pinoy na namamatay sa kanilang pinagtatrabahuan sa ibang bansa.

Agad namang nangako si Senate President Pro-Tempore Jinggoy Estrada, chairman ng senate committee on labor, employment and human resources development at ng Joint Congressional Oversight Committee on Overseas Workers Affairs, na magpapatawag siya ng imbestigasyon dito dahil maging siya ay naiintriga kung ano ang ginagawa ng mga embahada natin sa ibang bansa.

“This situation is not a first time occurrence and the State, consistent with its mandate to protect its people and uphold respect for human life, should intervene in order to stop this disturbing trend of OFW deaths and murders,”giit ni Villar.

“The heinous deaths of our kababayans must prompt embassy and labor officials to step up in its effort to proactively protect our workers from abusive employers and illegal recruiters,” paliwanag naman ni Estrada.

Nitong mga nagdaang araw ay sunod-sunod ang pag-uwi ng OFW na nakalagay na sa kahon. Ilan sa kanila ay ang kaso ni Joy Pampangan, 25-anyos, na inabot pa ng isang taon bago naiuwi sa Pilipinas ang bangkay nito mula sa Jordan. May suspetsa na nagkaroon ng foul play sa pagkamatay nito dahil sa tatlong death certificate nito na naglalaman ng iba’t ibang petsa ng kamatayan noong Hunyo 21, Hunyo 22 at Hulyo 22, 2010.

Kaduda-duda rin ang pagkamatay ni Romilyn Ibanez, 22 anyos,  na natagpuang patay sa kusina ng bahay ng kanyang amo sa Alkhoba, Saudi Arabia noong Setyembre 8, 2010. Base sa medical records, namatay ito dahil sa nainom na asido at multiple stab wounds.

Ngunit nang maiuwi ang bangkay nito ngayong buwan ay wala na itong mata at dila kung kaya’t labis ang pighati ng pamilya at kaanak nito.

Sa tulong naman ng Villar Foundation ni Sen. Villar, naiuwi na rin ang bangkay ni Juvy Montesoso nitong Setyembre 20, isang receptionist sa Tala Tower Hotel sa Kuwait na natagpuang patay noong Agosto 5 matapos mahulog sa ika-walong palapag ng gusali. Bagamat iniulat ng Kuwaiti police na walang foul play sa pagkamatay ng nasabing OFW, may hinala naman ang pamilya nito na may kinalaman sa pagkamatay ni Montesoso ang boyfriend nitong Amerikano na si Thomas Mellikei.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply