Pagkatapos kay Sarah: Boss Vic luhaan din kay Cristine

OKEY ang relasyon ni Vic del Rosario sa TV5. Maganda ang nagiging resulta ng mga deal niya rito. Kay Willie Revillame lang tiba-tiba na siya. Kumbaga, sa Kapatid network lang, sagana na siya.

Mabilis nga ang muling pananagana ni Vic sa kuwarta. Hindi katulad nang mga nagdaang mga taon, nakaranas umano ito ng kakapusan. Mabuti na lamang at tuloy-tuloy ang kasikatan ni Sarah Geronimo, kaya ito bale ang sinandalan niya sa oras ng kanyang kagipitan.

May nasagap nga tayong tsismis na dumating daw sa point na nangutang ang bossing ng Viva Films at Viva records sa singer/restaurateur/talent manager na si Claire dela Fuente. True ba itetch, Sir Vic?

Anyway, dahil oks ngang partner sa business ang TV network ni Mr. Manny Pangilinan, pinipilit daw talaga ni Mang Vic na ipasok ang lahat ng kanyang talent sa Singko. ‘Yung iba naisalpak na niya, pero kay Sarah, bigo siya. Nawala ang kanyang convincing power kay Mommy Divine at sa Popstar Princes. Nanatili pa rin ang huli sa ABS-CBN kung saan nagningning ng husto ang kanyang career.

Ngayon, napagbalingan nito si Cristine Reyes. Kinausap daw umano nito ang alaga na sumampa na sa bakod ng istasyon ni Mr. Pangilinan pero wala raw gana ang aktres na pag-usapan ito. Hindi niya wini-welcome ang ganitong idea. Waley siyang intensyon na sundin ang kanyang boss. Hahaha!

“Happy na ako sa ABS,” pagdidiin ni Cristine, isa sa mga bida sa “No Other Woman” ng Star Cinema/Viva Films na showing na on September 28, sa lahat ng mga paborito ninyong sinehan nationwide.

“Nag-e-enjoy ako sa mga ibinibigay sa akin ng ABS,” sambit pa rin ng magandang girlfriend ni Rayver Cruz.

So, paano siya makukumbinsi ni Del Rosario kung ganyang Hapee Yipee Yehey pala siya sa Dos? Hehehe!

“Tapos may guesting pa ako sa ibang show ng ABS, like minsan sa ‘Showtime’ as guest co-host. May Reputasyon din po ako. Happy ako dahil nailipat na siya sa mas magandang timeslot. Masaya ako kasi maraming nag-request na ilipat ‘yung timeslot niya, meaning maraming nanonood.

“Sa ASAP ang sarap ding mag-perform, kasi nakakasama ko yung magagaling na artists ng ABS.”

“Yun naman pala e. At higit sa lahat nandiyan ang kanyang papa Rayver. Pag-umalis siya sa Kapamilya network at naiwan ang BF niya, sus, babalik ‘yan kay Sarah at mangungutang ulit, este, manliligaw ulit. Hahahaha!

Esep…Esep Cristine.

Hanggang December na lang daw ang pinirmahang kontrata ng dalaga sa Dos. Pero may option sa contract na ang Star network pa rin ang may prayoridad sa kanya pagkatapos na mag-lapse ang kanyang pirma.

***

Maryo delos Reyes parang tatay ni Jiro Manio

SOBRA-SOBRA ang pag-aasikaso ni Maryo delos Reyes kay Jiro Manio kahit nasa rehabilitation center ito. Hindi raw ito nakaliligtaang dalawin ng magaling na direktor. Hitsurang tatay nga raw ang dating ng huli sa aktor na naging adik sa bawal na gamot.

Bale anim na buwan na lang daw ang hihintayin at next year ay muling makikita sa katsang telon at sa boobtube ang dating best actor ng Gawad Urian at best child actor sa Famas noong 2009 para sa pelikulang “Magnifico.”

Ang huling appearance ni Jiro sa TV bago siya nai-swak sa rehab ay ang “Tayong Dalawa.”

***

Tuloy-tuloy ang rebelasyon ni Engr. Manuel Pablico

PARAMI na nang parami ang naniniwala at nagpapatatak sa Divine Government of God and Servant of the Lord under President Engr. Manuel Pablico dahil sa walang bahid nitong reputasyon sa pagpapalaganap ng salita ng Dios at bilang isang lider na hindi umaabuso sa mga miyembro sa pamamagitan ng paghingi ng mga donasyon at kung anu-anong alay kuno para sa Panginoon na ang katotohanan pala ay sa kanilang kaban ng yaman lang pala napupunta.

Kaya para mas lalong maunawaan at maintindihan ng mga tao ang kanyang mga pahayag na bumili siya ng airtime sa malalakas na radio stations sa Metro Manila kung saan tuluy-tuloy pa rin ang worldwide radio broadcast ng huli ng “Revelation From God Thru His Mighty Seven Archangels” every Saturday and Sunday midnight from 11:00 p.m hanggang 1:00 a.m. na sabayang napakikinggan sa mga istayon ng DWBL, DWIZ, DZIQ, DZME at DWSS.

***

Para sa inyong mga opinyon at reaksyon, tumawag lamang o magtext sa  #09074582883 at #09351851227 o kaya’y mag-email sa kuya_abepaul@yahoon.com at maari  n’yo rin kaming silipin sa aming Facebook account, i-type lamang ang aming  pangalan. Mabalos!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply