Paglabas ni GMA sa ospital ‘di inilihim

NILINAW ngayon (Sabado, Setyembre 3) ni Dr. Juliet Gopez-Cervantes na hindi nila itinago ang paglabas ni dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Arroyo sa St. Luke’s Hospital kung saan ito inoperahan ng tatlong beses sa kanyang cervical spine.

Noong Biyerenes pa nakauwi ang dating Pangulong Arroyo sa kanilang tahanan ngunit ngayong umaga lamang nagbigay ng medical bulletin ang mga doctor nito at sinabing nakauwi na pala ang kanilang pasyente kahapon pa.

Sinabi ni Dr. Cervantes na minabuti nilang ianunsyo ngayong Sabado ang pag-uwi ni Arroyo dahil mahirap na ring magpatawag ng media at maaabala pa ang mga ito.

Wala aniya silang intensyon na itago ang kondisyon ni Gng. Arroyo at sinabing transparent naman sila.

Dagdag pa ni Cervantes, maganda na umano ang kondisyon ni Arroyo kaya ito nakauwi at pinayuhan itong ituloy ang pag-inom ng antibiotics, vitamins, supplements at iwasan munang mapagod o tumanggap ng mga bisita sa susunod na mga linggo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply