Paglaganap ng laruan, school supplies na may toxic ikinaalarma

NAIS na imbestigahan ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang paglaganap sa bansa ng mga laruan at school supplies na may halong nakalalasong kemikal.

Sa pamamgitan ng House Resolution 1669 ni Rep. Anthony Del Rosario (1st District, Davao del Norte) ay kanyang hiniling ang Congressional inquiry dahil sa panganib na dulot ng nasabing mga laruan at school supplies sa kalusugan ng tao lalo na sa mga bata.

Sinabi ni Del Rosario, ang mga bata ay maaaring makaranas ng neurological disorders, lack of muscular coordination, convulsions at coma, hyperacidity, deficits in fine motor function, hand-eye coordination and reaction time, lowered intelligence performance, respiratory and reproductive failure, kidney at mga problema sa balat, kapag nasubo o ang mga gamit at laruan na gawa sa nakalalasong kemikal.

“There is a need for Congress to seriously consider the alarming proliferation of these hazardous toys and school supplies because these elements can cause several health problems to children,” ani Del Rosario.

Iginiit ng mambabatas na kailangang pag-aralan ang ipinapatupad na regulatory framework and guiding statutory principles na siyang tutugon sa isyu hinggil sa product toxicity at pagle-label sa mga laruan at school supplies para maprotektahan ang mga bata.

Tinukoy ng mambabatas ang report ng environmental group na EcoWaste Coalition and International Persistent Organic Pollutants (POPs) Elimination Network, na nagsasabing 30 porsyento sa 200 lokal at imported na laruan mula sa iba’t ibang toy shops na sinuri ay nagpositibo sa isang toxic metal at ang ilan din sa mga ito ay nagtataglay ng mas marami pang uri ng toxic.

Ani Del Rosario, marapat lamang na imbestigahan ito ng kinauukulang House committee upang makabuo ng rekomendasyon at maamyendahan ang mga kasalukuyang batas o magkaroon ng bagong batas para maiwasan ang nakakatakot na epekto ng mga nakalalasong kemikal sa mga laruan o school supplies sa kalusugan.

“Maybe mechanisms for monitoring the manufacturing, importation and distribution of toys and school supplies in the market must be put in place,” dagdag pa ni Del Rosario.

Ayon pa sa mambabatas, naiulat din ang paggamit ng polyvinyl chloride sa mga gamit sa eskwela na may additives tulad ng phthalates na  ginagawang plasticizers sa pagmanupaktura sa mga nasabing produkto.

Sinabi ng solon, ang ilan sa anim na toxic metals na kabilang sa grupo ng “Priority Chemical List” ay ang lead, antimony, cadmium, mercury, chromium at arsenic ay nadiskubre sa mga laruan na isinalang sa pagsusuri.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply