Pagmamatyag, kooperasyon pangtapat vs JI ‘bomb threat’

DAHIL sa balitang magpapakalat umano ang Jemaah Islamiyah (JI) ng mga magkakasa ng bomba o bombers sa Mindanao maging sa Metro Manila ay hiniling naman ng Philippine National Police sa publiko ngayon (Biyernes, Setyembre 16) na huwag mag-panic, makipag-kooperasyon at maging mapagmatyag sa kapaligiran.

Sinabi rin ni PNP chief Deputy Director General Nicanor Bartolome na dapat agad tumawag ang publiko sa pinakamalapit na presinto kung may mga taong may kahina-hinala kilos imbes na pumapel na maging isang bayani.

“Siguro ang kailangan natin ay vigilance. Kailangan sa Metro Manila ay yung pagmamatyag. Citizens should be observant pag may makitang kakaiba o suspicious… dapat i-report agad ito sa kinauukulan. Pag may napansin silang anything that resembles an improvised explosive device… Huwag kalkalin, huwag sila mismo ang mag-check,” pahayag ni Bartolome.

Inaalam pa aniya sa PNP sa kanilang counterparts, ang paullit-ulit na ulat na nagpadala ang JI ng 20 new bomb-makers sa Pilipinas.

Gayunman, pinalakas na aniya ng PNP ang kanilang surveillance at intelligence-gathering activities.

Nauna rito, may ulat ding lumabas na may ilang JI personnel ang pinaluwas sa Metro Manila para sa tinawag ng  “test missions.”

Iginiit naman ni Bartolome sa publiko na kung may matatagpuang improvsed explosives kahit saan mang lugar ay huwag itong kalikutin bagkus ay hayaan na lamang ang awtoridad ang magkasa ng kaukulang aksyon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply