Pagpaliban sa ARMM election hinarang ng SC

HINDI na nagulat si Senador Bongbong Marcos sa pagpapalabas ng Korte Suprema ng Temporary Restraining Order laban sa postponement ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) elections at pag-appoint ng tatayong officer in charge sa rehiyon.

Ayon kay Marcos, chairman ng Senate Committee on Local Government, simula pa lang ay mali na ang ginagawang pagpapaliban ng halalan sa ARMM.

Kasabay nito, agad kinalampag ni Marcos ang Commission on Elections na ipatupad na ang full blast preparation para gawin ang halalan sa ARMM at dapat automated dahil ito ang nakasaad sa batas.

Aminado ang senador na maaaring magkakagulo sa preparasyon ng Comelec lalo at gahol na sa oras dahil sa September 30 na magtatapos ang termino ng mga kasalukuyang opisyal sa ARMM.

Nabatid na sa botong 8-4, naglabas din ng TRO ang Korte kaugnay sa pagtatalaga ng Malakanyang ng officers-in-charge para sa ARMM.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply