Pagpapakawala ng tubig ng mga dam idinepensa

IPINALIWANAG ni Benito Ramos, executive director ng National Disaster Risk Reduction and Management Council na mas malaking problema ang kakaharapin kung hindi magpapakawala ng tubig ang mga dam sa Luzon.

Sinabi ni Ramos na kailangang bawasan ang tubig sa mga dam lalo na at inaasahang tatama ang bagong bagyo na magdudulot ng mga pag-ulan na maaring ikaapaw ng mga dam.

Marami ang kumukwestiyon sa pagpapakawala ng tubig ng mga dam sa tuwing may bagyo.

Kanina ay galit na galit si Bulacan Gov. Willy Alvarado sa mga operator ng Ipo at Angat dam.

Nanawagan ang opsiyal na itigil ang pagpapalabas ng tubig dahil sa lumubog na sa tubig ang malaking bahagi ng Bulacan.

Sinabi nito na hindi nakipagkoordina sa kanila ang mga nangangasiwa ng dam.

Nagpaliwanag din si Edgar dela Cruz, hydrologist ng Hydro Meteorological Division ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa). Aniya, mas delikado sa buhay ng tao at sa ari-arian kung sakaling sumabog ang mga dam kung sumobra at umapaw ang tubig ng mga ito.

Aniya, hindi rin sila ang nagdedesisyon sa pagpapakawala ng tubig.

Sinabi rin ni Dela Cruz na kaya lalong nalubog sa baha ang malaking bahagi ng Bulacan ay dahil sa nagkataong high tide.

Kailangan lamang na tuluyan nang umagos patungo sa dagat ang baha.

Samanta;a, nagpapakawala pa rin ng tubig ang Angat, Ipo, Ambuklao, Binga, San Roque at Magat dam.

Pansamantalang itinigil muna ang rescue operations sa Bulacan dahil sa gabi na at nakararanas na naman ng malakas na pag-ulan ang lalawigan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply