Pagpapakawala ng tubig sa dams itutuloy pa

NAGPALIWANAG na ang National Disaster Risk Reduction Management na mananatiling nakalubog sa tubig-baha ang ilang bayan sa Pampangga at Bulacan dahil magpapatuloy pa ang pagpapakawala nila ng tubig mula sa ilang dam sa Central Luzon lalo at nakaamba naman ang pananalasa ng Bagyong Quiel sa Luzon areas.

Ito ay sa likod ng paninisi ng mga residente ng nabanggit na mga lalawigan na dahil sa pagpapakawala ng tubig sa mga dam kaya naranasan nilang lumubog sa sobrang lalim ng tubig-baha.

“Mamili ka magbukas ka na ngayon o gigibain mo yung pantabangan, yan ang hindi maintindihan ng tao,” bungad na pagpapaliwanag ni NDRRMC Executive Adminsditrator B/Gen. Benito Ramos

Sinabi ni Ramos na pinangangalagaan ng awtoridad ang structural strength ng mga dam na maaaring bumigay at mawasak dahil sa sobrang volume ng tubig na naipon ng dahil sa pag-ulat.

Oras na mawasak umano ito ay ilulubog ang maraming lalawigan sa gitnang Luzon hanggang Metro Manila at milyong katao ang mamamatay.

Ayon kay Ramos, magtutuloy tuloy pa ang pagpapakawala ng tubig sa mga dam kaya inaasahang posibleng lumawak pa ang mga lugar na maapektuhan ng pagbaha bilang paghahanda na rin sa bagyong Quiel na inaasahang magla-land fall bukas.

Partikular na nagpapakawala ng tubig ang Angat, Ambuklao, San Roque, at Pantabangan Dam.

Dagdag pa ni Ramos, sa oras mawasak ang mga dam ay lulubog ang lahat ng buong Nueva Ecija hanggang sa Arayat at Bulacan.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply