Pagpapakawala ng tubig sa mga dam ipinahihinto

NANANAWAGAN ang pamahalaang lungsod ng Bulacan na pansamantala munang ihinto ang pagpapakawala ng tubig sa Ipo at Angat dam na nagpalubog sa tubig sa maraming lugar sa lalawigan.

Nakiki-usap si Bulacan Governor Willy Alvarado sa mga opisyal na nangangasiwa sa mga dam dahil aniya tumataas ang tubig ngayon sa maraming bahagi ng lalawigan.

Lubog pa rin ngayon sa tubig ang Hagonoy, Paombong, Calumpit, Pulilan, Plaridel, Baliwag at Bustos at apektado ang maraming tao.

Sinabi ni Alvarado na dapat repasuhin ang patakaran sa pagpapakawala ng tubig sa mga dam sa kasagsagan ng bagyo.

Samantala, patuloy ang rescue operations ng Philippine National Police, Armed Forces of the Philippines, National Red Cross at iba pang grupo.

Namimigay rin ng mga relief good para sa mga apektadong mamamayan ng nasabing lalawigan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply