Pagpapaliban ng eleksyon sa ARMM labag sa Organic Act

LABAG sa Organic Act ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) ang pagpapaliban sa eleksiyon sa rehiyon.

Binigyang diin ni Atty. Romulo Macalintal na isang paglabag sa batas, partikular sa Organic Act ng ARMM, ang pagpapaliban sa eleksyon sa rehiyon.

Sinabi ni Macalintal na kailangan munang amyendahan ang Organic Act of ARMM bago makapagtalaga ng Officers In Charge (OIC) at ipagpaliban ng eleksyon sa rehiyon.

Kinuwestyon din ni Macalintal ang ginamit na batayan para hilingin ang pagpapaliban ng eleksyon dahil sa wala namang  katiyakan na walang karahasan o pag-abuso sa kapangyarihan kung isasabay ito sa national elections.

Bukod dito, unconstitutional ang House Bill 4146 o ang pagpapaliban ng eleksyon sa ARMM. Ito ang posisyon ng Regional Legislative Assembly (RLA) ng ARMM.

Ayon kay RLA Speaker Ronnie Sinsuat, ang naturang panukala ay nakaaapekto sa pagiging autonomous ng ARMM kung kaya sinusuporatahan ng RLA ang pagsasagawa  ng ARMM election noong August 8, 2011 base sa Republic Act 9054 na ito ay isinasagawa tuwing ikalawang Lunes ng Agosto sa bawat tatlong taon. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply