Pagpapaliban sa MRT-LRT, toll fare hike isinulong sa Senado

ISANG resolusyon ang isinulong ng Senado na naglalayong humihiling na ipagpaliban ng gobyerno ang planong pagtataas ng singil sa LRT at MRT gayundin ang pagdaragdag ng 12% VAT sa toll fees.

Ito ang nakapaloob sa Senate Resolution No. 602  na inihain nina  Senators Manuel Villar, Joker Arroyo at Ralph Recto.

Ang nasabing resolusyon ay kaugnay na rin sa naganap na pagdinig ng Senate Committee on Public Services na hindi kailangang dagdagan ang pamasahe sa MRT at LRT dahil may sapat na kita ang LRTA para tustusan ang operating expenses ng dalawang rail transit system.

Binigyang diin ng mga senador na may P7.2 bilyon na pondo ngayong taon at may P1 bilyon saving ang MRT para makabili ng dagdag na mga bago at para sagutin ang iba pang pangangailangan ng tren.

Binigyang diin pa ng mga ito na anti poor ang planong fare hike dahil karamihan sa mga maapektuhang commuters ay kumikita ng mababa sa P10,000 kada buwan.

Nais din ng mga senador na harangin ang pagtataas ng toll fees na epektibo sa Oktubre 1.

Ilan sa mga nagpahayag ng suporta sa resolusyon ay sina Senate President Juan Ponce Enrile; Senate Majority Leader Vicente Sotto III, Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada; Gregorio Honasan;  Chiz Escudero; Ferdinand “Bongbong” Marcos; Loren Legarda at Antonio Trillanes IV.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply