Pagpapaluwag ng trapiko inilatag ng DPWH

NILINAW ni Public Works and Highways (DPWH) Secretary Rogelio Singson na pinag-aaralan pa ng ahensiya ang iba’t ibang paraan kung paano mapaluluwag ang daloy ng trapiko, hindi lamang sa EDSA kundi sa iba’t ibang pangunahing kalsada sa National Capital Region (NCR).

Ayon kay Singson, bukod sa pagtatayo ng isang kalsada sa itaas ng EDSA, ikinukunsidera rin nila ang paglalagay ng Smart tunnel na isang water tunnel.

Ipinaliwanag ni Singson na bukod sa tunnel na maaaring gamitin ng mga sasakyan, maaari din itong gamitin bilang artificial river kapag malakas ang ulan.

Aniya, bukod sa pagpapagaan ng daloy ng trapiko, kailangan din gawing ligtas at friendly ang kalsada para sa pedestrians sa bansa.

Ipinaliwanag ni Singson na sa buong Asya, ang Pilipinas lamang ang may pinaka-maikling nilalakad ang mga mananakay.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply