Pagsasamantala ng mga ospital sa nurses

SA loob ng nakalipas na 20 taon, mahigpit ang pangangailangan sa mga Filipinong tapos ng nursing, information technology (IT) at turismo sa maraming parte ng mundo, lalo na sa US, Japan at Saudi Arabia.

Subalit sa iba’t ibang kadahilanan ay biglang bumagsak ang global demand sa mga propesyong ito kaya’t ipinayo kamakailan ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga mag-aaral na huwag nang kumuha ng naturang mga kurso.

Ayon sa pag-aaral, may 700,000 lisensiyadong nurse sa bansa na dito’y 200,000 sa kanila ay walang trabaho.

Gayunman, may mangilan-ngilan na pinalad na makapasok sa mga call center na nagpapasa-hod ng buwanang P20,000.

Mas mabigat ang problema ng mga nurse kung ikukumpara sa ibang mga propesyong ini-export ng Pilipinas.

Kailangan silang magtraining muna sa mga local na ospital o klinika bago matanggap sa trabaho sa ibayong-dagat.

Upang makakuha ng ’’sertipiko ng karanasan’’ kailangan silang mamasukan muna sa mga ospital bilang karaniwang nurses nang walang suweldo at magbayad sa ospital ng P7,000 hanggang P10,000 matanggap lang bilang “volunteer nurse.”

At kung anomang aksidente ang kanilang kasangkutan sa oras ng pagtatrabaho tulad ng maha-wahan ng HIV ay hindi pananagutan ito ng ospital.

Dahil sa pananamantala ng mga ospital sa kanila ay nagkaisa ang mga bagong lisensiyadong nurses na dalhin ang isyu sa lansangan sa pamamagitan ng mapayapang mga rally sa buong bansa.

Kundi sa maagap na pag-aksiyon ng Department of Health laban sa panggugulang ng mga ospital, napigil ang planong demonstrasyon ng mga nurse.

Isang task force na binubuo ng mga kinatawan ng DOH, Department of Labor and Em-ployment (DOLE) at Department of Education and Culture (DEC) ang binuo ni DOH Secretary Ona upang bumalangkas ng isang Residency Training Program (RTP) para sa mga nurse na walang iniwan sa RTP ng mga doktor ng medesina.

Isa itong magandang hakbang ng pamahalaan sa ikalulutas ng problema ng mga nurse na dapat pasalamatan ng mga kinauukulan.

Dito ay imbes na ang mga nurse ang magbabayad sa mga ospital ay sila pa ang babayaran nito ng mga allowance.

Sinasabing huli man daw at magaling ay maihahabol din.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply