Pagtaas ng chalk allowance kinumpirma ng DepEd

KINUMPIRMA ngayong umaga, Setyembre 16, ng Department of Education (DepEd) na tataasan ng P1,000 ang chalk allowance ng mga guro sa bansa sa susunod na taon (2012).

Aminado si Sec. Armin Luistro na hindi ito naisama sa 2012 national budget kaya magkakaroon ng re-alignment sa budget ng DepEd.

Matatandaang inihayag ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) na tuloy ngayong araw ang gagawing “chalk holiday” ng mga guro bilang pagpapakita ng protesta at sa kanilang hinihinging dagdag na P2,000 allowance para sa chalk na gagamitin sa pagtuturo sa mga estudyante.

Iginigiit din ng grupo ang dagdag na budget mula P700 milyon hanggang sa P1 billion bilang annual budget.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply