Pagtaas ng pasahe sa LRT at MRT wala nang urungan

MARIING pinanindigan  ni Department of Transportation and Communication (DOTC) Secretary Mar Roxas na wala nang urungan ang pagpapatupad  ng gobyerno ng pagtaas ng singil sa pasahe sa LRT at
MRT.

Binigyang diin ni Roxas na dumating na ang tamang panahon para ipatupad ang dagdag na singil sa pasahe sa LRT at MRT na inaprubahan noong pang October 2010.

Sinabi ni Roxas na halos isang taon na rin nabalam ang implementasyon ng LRT at MRT fare hike dahil alam ng Pangulong Noynoy Aquino ang pulso ng publiko sa naturang usapin.

Aniya, kailangan na rin itulak ang fare increase para ma-improve ang serbisyo at operasyon ng mga tren ng LRT at MRT.

Kaugnay nito kinumpirma mismo ni Pangulong Benigno Aquino III na tuloy na ang pagtataas ng singil sa pasahe sa LRT at MRT.

Ayon sa Pangulong Aquino kailangan na talagang ipatupad ang dagdag na singil sa pasahe sa LRT at MRT upang mabawasan ang subsidiya dito ng gobyerno para mailagay sa ibang programa ang pondo.

Iginiit ng Presidente na hindi rin tama na gamitin ang buwis ng mga taga probinsya para i-subsidize ang transportasyon ng mga taga Metro Manila.

Ngunit nilinaw naman ni Pangulong Aquino na katumbas o bahagyang mataas lamang sa pasahe sa pampasaherong bus ang fare hike sa LRT at MRT. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply