Pagtaas ng presyo ng karne nakaamba

NAGBABALA ngayon ang pamunuan ng National Meat Inspection Services (NMIS) na paghandaan na ang pagtaas ng presyo ng karne sa mga pamilihan ngayong papalapit na ang Pasko

Subalit ayon kay NMIS 12 Regional Director Ariel Billones, bahagya lang ang magiging paggalaw ng presyo ng karne sa kanilang rehiyon dahil karamihan sa kinakatay na hayop sa mga slaughter houses  ay nanggaling sa lokalidad.

Sinabi ni Billones na maaasahan ng publiko na mas paiigtingin nila ang pagmamanman sa mga iligal na pagkatay ng mga hayop.

Dapat umanog maiwasan ang food poisoning tulad ng nangyari kamakailan sa Lake Sebu na mahigit 40 katao ang nagkasakit dahil sa pagkain ng karneng hindi dumaan sa pagsusuri.

Pagtutuunan din umano nila ang pagmamanman sa mga talipapa dahil dumarami rin ang nagbebenta  ng karne dito sa panahon ng kapaskuhan.

Umaapela rin si Billones sa publiko na tingnang mabuti ang karneng binibili at seguraduhing may tatak na nagpapatunay na dumaan sa tamang proseso upang maiwasan ang anumang problema. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply