Pagtakas ng OFW dulot ng panganib sa kamay ng mapang-abusong employer

MINAMALTRATO, sekswal na inaabuso at hindi pa pinapasahod. Ito ang kadalasang mga dahilan ng marami nating mga overseas Filipino worker (OFW) sa ibayong-dagat kung bakit nila nagagawang tumakas sa kanilang mga employer lalong-lalo na sa Middle East.

Isa na diyan ang ating kabayang si Niña Lazarte mula sa Riyadh, Kingdom of Saudi Arabia. Hunyo 6, 2011 nang unang dumulog si Rosalinda Tan sa Bantay OCW Foundation Operations Center, upang humingi ng tulong para sa kanyang kapatid na si Niňa na tumakas patungong Bahay-Kalinga dahil pisikal na minamaltrato aniya ito ng kanyang amo at hindi pinasahod ng tatlong (3) buwan.

Sa pakikipag-ugnayan ng Bantay OCW kay Administrative Staff Maribel Carisusa ng Bahay-Kalinga sa Riyadh, KSA, nitong ika-2 ng Agosto taong 2011, isang magandang balita, Lulan ng Gulf Air, nakauwi na ng bansa ang ating kabayan. Magkasamang nagtungo si Rosalinda kasama ang kanyang kapatid na si Niňa upang magpasalamat sa programa.

Kasabay nito ang pagsampa ng reklamo sa OTG International Placement Agency na ididinig ngayong Setyembre taong 2011 sa tanggapan ni Atty. Edgardo Escuardo, Overseas Employment Adjudicator ng Philippine Overseas Employment Adminstration (POEA).

Isang katotohanan ngang sa dami ng mga hinaing ng ating mga OFW sa iba’t ibang panig ng mundo, marami pa din ang patuloy na nanghihingi ng katarungan dahil sa pang-aabuso ng kanilang mga employer. Kaya naman mula sa inyong Bantay OCW, maging matalino sa inyong pagdedesisyon sa pangingibang-bayan. Hindi lamang ang inyong mga buhay at pangarap ang nakataya sa inyong pag-aabroad, isipin din ang mga buhay at kinabukasan ng inyong mga mahal sa buhay.

Bantay Kaso

•RAMON MERIDA (Ama ng pumanaw na OFW sa Sharja, UAE at nais maiuwi ang kanyang mga labi)

OFW: MARY ANN CRUZ (Pumanaw na OFW sa Sharja, UAE)

KASO: Abril 2011 ng pumanaw ang anak ni Ramon ngunit Mayo 2011 na nila ito nalaman.Hindi pa rin alam ang estado ng pagpapauwi sa kanyang labi´kaya’t nais ng kanyang pamilya na maiuwi sa lalong madaling panahon ang kanyang bangkay.

UPDATE:  Nakipag-ugnayan ang Bantay OCW sa Philippine Consulate Assistance to National Public Relations Office Officer –in Charge Maria Theresa Bautista, maghahain sila ng kaso laban sa kanyang employer dahil sa hindi nito inireport agad ang pagkamatay ng OFW. Paiimbestigahan rin nito ang hindi malinaw na dahilan ng pagkamatay ng OFW.

• ROSALINDA NAVARRO (Maybahay ng OFW na biktima ng breach of contract sa Riyadh, KSA)

OFW: ELMER NAVARRO (OFW na biktima ng breach of contract mula sa Riyadh, KSA)

KASO: Hindi natupad ang kontrata na pinirmahan may kinalaman sa pasahod. Nais na lamang na makauwi ng bansa.

UPDATE:  Nakipag-ugnayan ang BANTAY OCW kay Atty. Alejandro Padaen, Direktor ng Adjudication Office sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA). Ayon kay Account Officer Baby Masangcay ng POEA Repatriation Unit, nakapagpadala na sila ng Request Letter sa Philippine Overseas Labor Office (POLO) sa Riyadh, KSA, upang ipaalam ang estado nito. Kasalukuyang hinihintay na lamang ang tugon mula sa POLO. Nagpadala na rin ang POEA ng 15 day notice sa ahensyang Asmara International Placement Agency Incorporated, para asikasuhin ang pagpapauwi kay Elmer.

•JULIETO ARCOY (Asawa ng OFW na finished contract na sa Riyadh, KSA ngunit ayaw pauwiin ng employer)

OFW:  MARIETA ARCOY (OFW na finished contract na sa Riyadh, KSA ngunit ayaw pauwiin ng employer)

KASO:  Tatlong (3) buwan ng tapos ang kontrata ngunit ayaw pa rin siyang pauwiin ng kanyang employer, napag-alaman na nakakulong aniya ito. Hiling na makauwi na sa bansa.

UPDATE:  Nakipag-ugnayan ang BANTAY OCW kay Undersecretary Esteban Conejos Jr. ng Department of Foreign Affairs-Offcie of the Undersecretary for Migrant Workers Affairs (DFA-OUMWA). Ayon kay Atty. Junaid Ali, Legal Officer In-charge sa Riyadh, KSA. Nakapagpadala na sila ng Request Letter sa Embahada ng Pilipinas, upang matiyak ang kalagayan ng ating kabayan.

•VERLIE HIRRO (Pinsan ng OFW sa Singapore na biktima ng breach of contract)

OFW: SHERWIN CORPUZ (OFW sa Singapore na biktima ng breach of contract)

KASO: Nag-aplay bilang nurse, ngunit pinapirma ng bagong kontrata bilang household service worker pagdating doon. Nakaranas ng labis na pagtatrabaho at nais na lamang umuwi ng bansa.

UPDATE:  Nakipag-ugnayan ang Bantay OCW sa ating Embahada sa Singapore. Kasalukuyan siyang nasa pangangalaga ng ating embahada kaya’t huwag na aniyang masyadong mag-alala ang kanyang kamag-anak, dahil kasalukuyan na silang  nakikipag-negosasyon sa kanyang employer maging sa kanyang ahensya upang makauwi na ng bansa si Sherwin.

***

Bantay OCW Programs

Telebisyon: NBN Channel 4 (Monday to Friday, 10:10pm-11:10pm)
www.ptni.tv

Radyo: Radyo Inquirer DZIQ 990 AM (Monday to Friday, 7:00pm-8:30pm)

Address: Media Resource Plaza Bldg., Mola cor. Pasong Tirad St., Bgy. La Paz, Makati City

Bantay OCW Foundation Operations Center (Monday to Friday, 8:00 a.m.-5:00 p.m.), 631 Shaw Blvd., Mandaluyong City

Telephone Numbers: 535.7209/ 881.9423/ 0919.2140699

Email: susankbantayocw@yahoo.com/ bantayocwfoundation@yahoo.com

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply