Pagtalakay sa 2012 budget pagpupuyatan

TATAPUSIN bukas (Biyernes, Setyembre 16) ng mga kongresista ang deliberasyon sa 2012 General Appropriations Act na P1.816 trilyon.

Bagama’t ilang araw nang walang korum, wala namang kumukuwestyon dito at tiniyak ni Cavite Rep. Joseph Emilio Abaya, chairman, House committee on appropriations na kahit abutin pa ang sesyon ng hanggang Sabado ng madaling araw ay maipapasa sa ikalawang pagbasa ang GAA.

Pagkatapos ng halos dalawang linggo na marathon session ay pinahintulutan ang mga kongresista na mag-asikaso naman sa kanilang distrito kaya’t mawawalan ng sesyon sa susunod na linggo.

Huwebes ng umaga ay naaprubahan na sa plenaryo ang budget ng Department of Foreign Affairs (DFA) at sa kasalukuyan ay nakasalang ang budget ng Department of Public Works and Highways kasunod ang Department of Justice (DOJ) at Department of the Interior and Local Government (DILG) na ayon kay Abaya ay tatapusin hanggang madaling araw kung kinakailangan.

Samantala, maghapon bukas ay isasalang naman ang budget ng Office of the President, Office of Presidential Adviser on Peace Process, Presidential Communication Development and Strategic Planning Office, Department of Budget and Management (DBM), Department of Energy (DOE), Department of Education (DepEd), Department of Tourism, Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Kapag lahat ng budget ng departmento ay maipasa na saka lamang magkakaroon ng turno en contra na papel ito ng oposisyon upang batikusin ang panukalang badyet.

Ayon sa isang source, hinuling isasalang ang budget ng DOE, DEPED, DSWD, EPAPP at PCSDSP na pinamumunuan ni Secretary Ricky Carandang dahil ang mga departamentong ito ang may maiinit na usapin.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply