Pagtanggal ng foreign nurses sa Saudi aalamin ng DOLE

INATASAN na ng Department of Labor and Employement (DOLE)  ang Philippine Overseas Labor Office sa Riyadh upang alamin ang dahilan sa planong pagtanggal sa foreign nurses na nagtratrabaho sa Saudi Arabia.

Ayon kay Labor Secretary Rosalinda Baldoz, aalamin nila ang report ng Saudi media na umano’y plano ng Saudi Ministry of Health (MH) na i-localize ang 300 senior nursing jobs sa susunod na tatlong taon.

Nabatid ng kalihim ang naturang hakbang matapos mabatid sa grupong migrante na ite-terminate na ng MH sa Saudi ang kontrata ng dayuhang nurses na nakapagtrabaho nang sampung (10) taon.

Mananatili naman ang mga nasa larangan ng hemodialysis, emergency at ICU medicine.

Gayunman,  sinabi ni Baldoz na wala pa itong natatanggap na official statement mula sa gobyerno ng Saudi kaugnay sa nasabing balita.

Iginiit din nito na hanggang ngayon ay walang malawakang displacement ng Pinoy nurses sa Kingdom of Saudi Arabia taliwas sa pahayag ng grupong Migrante.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply