Pagtanggap ni FVR ng campaign funds kay Ghadafi, pinaiimbestigahan

NAGHAIN si Sen, Miriam Defensor-Santiago ng isang resolusyon upang maimbestigahan ang ibinulgar ng WikiLeaks na tumanggap ng P5-milyon campaign funds si dating Pangulong Fidel V. Ramos mula sa pinatalsik na Libyan Leader na si Moammar Ghadafi noon.

Sa press conference nitong Lunes, sinabi ni Santiago na dapat papanagutin si Ramos sa paglabag sa Election Code na nagbabawal sa sinumang kandidato na tumanggap ng pondo mula sa dayuhan na siyang ibinulgar na WikiLeaks, isang website na nagsisiwalat ng mga kontrobersiya ng isang bansa o sikat na tao.

“The whistleblower group WikiLeaks released a cable on the internet showing that shortly before the May presidential election in 1992, Fidel Ramos and former House Speaker Jose de Venecia both went to Tripoli, allegedly to negotiate a peace deal between the government and the Moro National Liberation Front,” ani Santiago.

Tinukoy din ni Santiago ang artikulong isinulat ni Glenda Gloria na nailathala sa Newsbreak sa unang bahagi ng taon na nagsasabing: “Cynics doubted if peace was the only motivation for that trip.  Even political allies of Ramos at that time quietly believed that the two went there to solicit campaign funds from Moammar Ghadafi, something staunchly denied by Ramos and de Venecia;”

“The Election Code, Section 96, prohibits candidates from either soliciting or receiving contributions from foreign sources, and penalizes the candidate with disqualification or removal from office,” paliwanag ni Santiago.

Natalo si Santiago kay Ramos noong 1992 presidential election na may 23.58% boto kumpara sa nakuha ng senador na umabot lamang sa 19.72% ng kabuuang boto.

Hindi matanggap ni Santiago ang pagkatalo sa halalan, kaya nagsampa ito ng protesta sa Supreme Court sanhi ng malawakang dayaan, kabilang ang malawakang blackout sa panahon ng canvassing ng boto.

Santiago refused to concede the elections and instead filed an election protest with the Supreme Court on the ground of widespread election fraud, including a nationwide power blackout during the period of canvass of the votes.

“Just because Ramos has finished his term as president, and after prosecuting Santiago through the paid media, Ramos should not be allowed to get away with the bare denial of his apparent crime,” ayon kay Santiago.

“To allow Ramos to continue his pose as a Philippine president is to continue the culture of impunity which has been rejected by the Senate with the recent unanimous vote to concur with the Rome Statute of the International Criminal Court” dagdag niya.

Bukod sa paglabag sa Election Code, nais din ni Santiago na makasuhan si Ramos ng falsification of public documents, dagdag sa ibang panukala upang maituwid ang kasaysayang pulitikal sa pamamagitan ng pagtatanggal ng maskara sa pagnanakaw sa kanya ng 1992 presidential elections.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply