Pagtatanggal ng buwis sa donasyon ng kalamidad

SALUDUHAN natin ang dapat na saluduhan sa mga nakaupong opisyal ng bayan kahit pa masama ang tingin sa mga ito ng maraming nakaangkla sa pundilyo ni PNoy.

Tinutukoy natin, mga Bro, ang panukalang batas ng mag-inang sina dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo at Bicol Congressman Dato Arroyo.

Ang panukala nina Arroyo ay ang pagtanggal ng buwis sa mga donasyon na ibinibigay sa mga sinasalanta ng kalamidad.

HINDI BALENG MALUGI ANG BIR

Tiyak na aangal ang mga nasa Bureau of Internal Revenue sa panukalang ito dahil kawalan nga rin naman sa kaban ng bayan ang kawalan ng buwis sa donasyon.

Tingnan ninyo, mga Bro, ang patakaran sa buwis dito na tinatawag na donor’s tax

Heto. Kung P100,000 pababa ang iyong donasyon, walang donor’s tax.

Pero kung nasa pagitan ng P100,000-P200,000, 2 porsiyento ang sisingilin sa iyo ng BIR.

Pataas nang pataas ito hanggang 15% sa donasyong nagkakahalaga ng P10 milyon.

Heto pa: kung hindi mo kamag-anak sa dugo at kasal ang bibigyan mo ng donasyon, patay kang donor ka.

30% ng donasyon mo ang sisingilin sa iyo.

Ito, mga Bro, ang dahilan kung bakit napakahirap ang magbigay ng donasyon.

Para kang sinuntok ni Manny Pacquiao niyan.

KRUS AT DEMANDA

Magbibigay ka nga ng tulong, pagpapasanin ka pa ng krus.

Kahit hindi panahon ng Semana Santa at kahit panahon ng kalamidad.

Madedemanda ka pa ng tax evasion dahil lang sa pagbibigay mo ng donasyon.

Hindi lang yan.

Kung imported ang donasyon mo, kailangan mo ring magbayad ng taripa sa Bureau of Customs.

Kung ayaw mo, kukumpiskahin yan. Kung hindi ibebenta ng BOC, baka bigla na lang mawala yan.

Yung 2,000 o 3,000 na container vans, eh, naglalaho na parang bula diyan sa Aduana, yang donasyon mo pa kaya?

Hehehe!

PWEDE SA GOBYERNO

Pero kung magbibigay ka sa gobyerno, libre ka sa buwis. Kahit anong sangay yata ng pamahalaan, pupuwede mong ibuhos ang iyong donasyon.

Pero, por dios por santo, makararating naman kaya sa mga biktima ng kalamidad ang donasyon mo?

Ewan natin.

SINASALAKAY NG MGA KORAP

Sa dami ng mga korap sa mga opisina ng gobyerno na nakikialam, karaniwang nayayawyaw ang mga donasyon.

Karaniwan pa ngang kino-convert ang donasyon sa pulitika.

Marami nang pagkakataon na nadidiskubreng tinatatakan ng pangalan ng mga
pulitiko at opisyal ng gobyerno ang mga donasyon.

Kahit magtanong pa kayo sa mga biktima.

Mas malaki pa nga ang ngalan ng mga pulitiko na nakatatak sa donasyon kaysa ngalan ng mga produkto.

Bukod sa mga idinidikit na ngalan ng mga opisyal ng bayan at pulitiko sa mga donasyon, napakalalaki pa ang mga tarpaulin na nag-aanunsyo ng kagandahang loob ng mga tarantado.

DOBLE MALAS SA MGA BIKTIMA

Dahil sa pambubuwisit sa mga donor sa pamamagitan ng buwis sa kanilang donasyon, totoong marami ang ayaw magbigay nito.

Ke magutom, maghirap at mamatay sa gutom at hirap ang mga biktima.

Manghinayang man ang mga gustong magdonasyon, wala silang magagawa kundi ang hindi magbigay.

Nagbubunga naman ito, mga Bro, ng napakasamang kalagayan ng mga biktima ng kalamidad.

DAGDAG SA PANUKALA

Tutal nasimulan na nina Cong. Gloria at Dado ang magpanukala ng maganda tulad nito, maganda sigurong mag-isip o magmungkahi tayo ng iba pang sasakupin ng libreng buwis sa donasyon sa kalamidad.

Halimbawa ang mga nagkakasakit ng matitindi na milyones ang kailangan.

Magandang maging klaro kung pupuwedeng magdonasyon sa mga ito.

Sa dami ba naman ng nagkakasakit sa atay, puso at iba pa na kung singilin ng mga ospital ng gobyerno tulad ng Philippine Heart Center ay daang libo o milyon-milyong piso ang halaga.

Pupuwede bang ilibre sa buwis ang donasyon sa mga kasong ito?

GUSALI BILANG CALAMITY CENTER

Isa pa sa mga kaklaruhin, mga Bro, sa panukala ang pagdo-donate ng malalaking halaga para sa pagtatayo ng mga gusali kahit sa mga pribadong lupain para sa mga biktima ng kalamidad at iba pang pangangailangan ng mamamayan.

Parang multi-purpose center.

Iniisip natin na nakaiistorbo sa mga mag-aaral ang paggamit ng mga biktima ng kalamidad sa mga eskuwelahan.

Hindi lang nakaiistorbo sa pag-aaral kundi pinagmumulan din ng mga sakit na nakahahawa sa mga eskuwela ang mga school na ginagawang calamity center.

Ang donasyon ba rito ay kailangan ding singilan ng donor’s tax?

TAUNANG BUWIS

At paano ang gusali, lupain at makinarya?

Kailangan din ba itong buwisan taon-taon?

Eh kung milyones ang halaga, sino ang magbabayad sa taunang buwis nito.

Paano ang mga makinarya na pupuwedeng ilagay sa mga ito na pantulong din halimbawa sa mga biktima ng kalamidad, kailangan din bang magbuwis?

Cong. Gloria at Dado, ano sa tingin ninyo?

oOo

Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating sa programang Power Point ng RHTV o DZRH 666khz AM tuwing Sabado 3 to 4 PM, www.remate.ph o i-text sa 09214303333.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply